Girl
18. an incoming sophomore. frustrated writer and artist. dreamer. music lover. Lord of the Rings and Harry Potter fan. adores Pride and Prejudice. keeps a written journal.
May sasabihin ako sa iyo, pare. Ewan ko ba kung bakit hindi ko namana yung pagka-Mister Swabe ni Kuya Bill, o yung pagka-macho ni Kuya Charlie, o yung pagiging matalino ni Kuya Percy (kahit ba gago yun), o yung pagka-pilyo nina Kuya Fred at Kuya George. Anong napunta sa akin? Wala. Nung una, akala ko pa naman magaling ako sa Quidditch. Hindi pala. Buti nga nakabawi ako nung huling laban, pero alam kong wala pa ako sa kalingkingan ni Viktor Krum.
Ah si Viktor Krum. Tarantado yun. Pasensiya na, ganun talaga tingin ko sa kanya. Sa totoo lang, dati-rati, isa ako sa mga tagahanga ng Krum na yan, kaso…kaso, lintek, nagkagusto siya kay Hermione! Langhiya talaga oo. Heto akong di na magkanda-ugaga kung anong gagawin ko sa nararamdaman ko kay Hermione, tapos pumasok pa ‘tong Krum na ‘to sa eksena! Pakshet puset, nakakainis talga. At nakakapangliit.
Ano ba naman talagang laban ko kay Krum? May binatbat ba ako? Magaling siyang maglaro ng Quidditch. Sikat at mayaman siya. Mabait din naman siya, kahit masakit sa loob ko na aminin yun.
Pero…pero siguro naman may pag-asa ako, di ba? Kilala ko si Hermione. Wala naman siyang pakialam sa Quidditch, at lalong wala naman siyang pakialam sa kayamanan at kasikatan. At sa kabaitan din lang naman…hanep namang mabait din ako! Kahit naman inaaway ko si Hermione eh palagi naman kaming nagkakabati. At hindi naman talaga mga away yun, kung tutuusin. Mahilig lang kaming mag-diskusyon. Lagi ko pa siyang napapatawa. Kaya ba siyang patawanin ng Krum na yun? Yung si Krum, mukhang masungit! Ni hindi nga ata ngumingiti yun. Parang laging may problema. Malamang naman ayaw ni Hermione ng ganung klaseng tao, di ba?
Teka, teka, alam ko na ang sasabihin mo. Sasabihin mong, “Yun naman pala eh. May binatbat ka naman. Bakit di mo na ligawan si Hermione?”
Pare, yun na nga ang problema. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung anong gagawin ko. Dyahe talaga! Natotorpe talaga ako. Nanlalamig ang mga kalamnan ko tuwing naiisip kong aminin na kay Hermione yung nararamdaman ko. Nauurong pa yung dila ko. Paano ba naman ako magsasalita nun?
Nung nakaraang Pasko, naisip ko, Gryffindor naman ako, kaya kailangan kong maging matapang. Kaya ayun, binilhan ko si Hermione ng pabango. Akala ko pa naman, matutuwa siya. Alam mo ba kung ano lang ang sinabi niya tungkol dun? Kakaiba! Ayun, sinabi niyang kakaiba raw yung pabango! Ano ba namang klaseng reaksiyon yun? Nakakapanghina ng loob, di ba?
Hay naku. Siguro...siguro ayaw niya yung regalo ko. Siguro, ayaw niya lang talaga sa akin. Ang hirap-hirap mainlab sa matalik mong kaibigan, alam mo ba ‘yon? Lagi mo siyang nakikita, nakakausap, pero alam mong hanggang magkaibigan lang kayo. Sobrang sakit nun! Ayaw ko rin namang pilitin, kasi baka naman pati pagkakaibigan namin eh mawala pa. Yun nga nga lang ang pinanghahawakan ko, tapos baka masira pa.
Di bale, sanay na naman aking hindi nakukuha yung gusto ko. Matagal ko nang alam kung paanong makuntento sa mga pangarap lang. Marami na rin naman akong pinapangarap na hindi ko nakukuha, idadagdag ko na lang si Hermione dun sa listahan.
Pero minsan…umaasa pa rin ako, tulad nung hinalikan niya ako sa pisngi bago nung laban sa Quidditch. Malamang wala lang yun sa kanya, pero malamang meron din, di ba? At naalala mo ba nung Yule Ball? Sabi niya, “sa susunod na may sayawan, yayain mo na ako agad, at hindi 'pag wala ka nang mahanap na iba!” Kung hindi ako nagkakamali, sinabi niyang yayain ko raw siya sa susunod na may sayawan. Siguro sinabi niya lang yun sa galit niya, pero sinabi niya pa rin, di ba?
Ano ba yan! Nalilito na ako! Ang labo naman kasi ni Hermione. Minsan parang may pag-asa ako, minsan naman, parang wala. Hindi naman ako Legilimens para malaman kung anong iniisip niya. Minsan nga, naiisip kong kung hindi lang mahirap ang Legilimency, pag-aaralan ko yun, para lang maintindihan ko si Hermione.
Alam mo bang bumigay na ako’t umamin na ko kay Ginny na may gusto ako hay Hermione? Oo, ganun na ako ka-desperado. Pero wala rin akong napala. Ang sabi lang niya, “Anong balak mong gawin?” Kaya nga ako nagtatanong sa kanya kasi di ko alam ang gagawin ko eh! Nung sinabi kong hindi ko alam ang gagawin ko, natawa lang siya! Nakakaawa raw ako. Pasensiya na, tao lang ako!
Bakit ba ganun, ha? Hay naku, pare, ang labo talaga ng mga babae. Ang hirap sakyan ng mga utak nila. Hindi mo malaman kung ano ba talaga gusto nila. Nakakabaliw.
Hoy, Harry, ano bang gagawin ko? Tulungan mo naman ako. Harry? Harry? Naku naman, pare, wala ka namang kuwenta. Ang bilis mo namang malasing. Akala ko pa naman nakikinig ka sa mga sinasabi ko pero di naman pala. Sa susunod nga, huwag kang magyayaya na mag-maboteng usapan tayo kung babagsak ka naman agad.
Ay, may tama na rin yata ako ha, kasi eto ako kinakausap ko na sarili ko. Sige na nga, itutulog ko na lang ‘to. Baka bukas, mawala na ang pagka-torpe ko. Baka bukas, mahal na ko ni Hermione. Hah, umasa pa raw ako.
Reese forwarded it to me, which I thought was hilarious! I can just imagine Ron saying this! Hahaha!! Ooh, here's the site: Bohemianvixen.
By the way, I now post here since it's easier to update. However, I will still keep my pitas account for major updates. =)
09:01 p.m.
Monday, October 6, 2003
Believe in me “I never told her this, but every time I spend a day with Joa, I just get amazed and inspired by her even more. Her wisdom, her openness, her wit, her courage, and her kindness, makes her absolutely loveable. I feel sad that she falls into depression sometimes because she doesn’t deserve to be lonely. For someone who cheers up others and makes them happy, Joa shouldn’t be the one who’s unhappy.”
That’s one hell of a tearjerker. Whenever someone says something nice about me, I feel so inspired to write or to draw. It is these kind of words that satisfy my soul. It was what I needed to fell loved. I never knew that I could make that effect on someone. I feel humbled.
I made someone happy today. Her weapon was her tears, which she strived to hold back but could not. It ached to see her cry even if I hardly knew her. But she was always kind to me. Before I knew it, the wisdom of my experiences gushed out of my mouth and spilled them unto her. It was the first time I talked to anyone about what I felt. I knew, without thoroughly knowing, that I had learned them and taken them to heart. To relive those memories was a walk through a thorn bush just to see the beautiful flowers in their beds soaking in the sun. I have many wounds, some that have not yet healed, and some that have turned into scars. They can never be hidden and they will be reminders of the time I used to suffer. But the world is beautiful now- more beautiful than it was because I live for me.
Thank you to all those who believe in me. You make my day so much brighter, so much warmer. You make my world so beautiful that I feel contentment. Thank you for that smile that makes me feel loved and the embraces that make me feel safe. Thank you for the tears that you shed for me. Thank you for your compassion.
And to you, to the one whom I hold dear, thank you for just being there. You light up my life. You inspire me to be someone.